Una kaming nagkakilala ni Patrick noong College. We were classmates since first year. May isang beses na wala un professor Umupo kami ng best friend ko, as usual late nanaman kami kaya doon kami sa bandang likod umupo. Andoon si Patrick sa hilera ng upuan namin. Since hindi pa namin sya kilala, Bigla lang namin naisipan na tanungin sya kung anong pangalan nya. Natawa kami ng best friend ko kasi pag sumasagot sya sinusulat nya at hindi direkta nya samin sinasagot. Nagpatuloy yung pagtanong namin sa kanya. Matapos ng kwentuhan namin, nagsabi na ang isa naming kaklase na hindi na makakapasok ang professor kaya maari na kami magbreak. Niyaya na lang namin sya kasi nagiisa lang sya. Matapos ang araw na yun, nagpatuloy ang pagkakaibigan namin. Madalas na kami magkakasama at naging magkakaibigan na kami. Hanggang naging magbest friend kami. Madalas na nya ako nililibre, madalas na kami mag asaran, at magkasama sa campus. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na nagkayayaan kami mag punta sa isang resort. Tatlo kami noon kasama ulit ang best friend ko na babae. Matapos ang buong maghapon, noong maguwian at makarating ako sa bahay. Nagtanong sya kung asa bahay na daw ba ako at kung ligtas ako nakauwe. Sabi ko “oo”. Biglang nagtext sya ng “I love you”. Nagulat ako kasi hindi ko inasahan. “Mahal mo ko?” ani ko habang nililinaw ko ang lahat sa kanya. Doon nagsimula ang lahat.